Don't just race to compete. . . race to achieved eternal life. .

Mt. Pinatubo

Ang Hamon Sa Tugaygayan Ng Bundok Pinatubo

Mt. Pinatubo Trail Challenge

Narito ang pagsasalaysay ng mga naganap sa aking unang pagsabak sa “ultra race”

Ang Pagdayo

Kasama ang mga ka-grupong sina Coach Ronnel, ang Alamat na si Ka Totoy at ang aking pinsan na si Jerome nagtungo kami at dumayo sa Barangay Juliana Capas, Tarlac upang lumahok sa patakbo ni Sir Jovie Narcise, ang “2nd Mt. Pinatubo 50K Trail Challenge”. nakarating kami sa lugar ng bandang ala-dos ng umaga at kami’y umidlip habang hinihintay magsimula ang pagrehistro sa mga lalahok. Dumating ang oras at nakapagrehistro ako sa numerong 537. Naghanda na kami sa nalalapit na pagsisimula ng karera. Simula ng Karera Kasama ang aking pinsan kami ay naghintay sa kalagitnaan ng ibang mananakbong kalahok. Ang iba’y ay nagpapakuha ng larawan,ang iba’y nagdarasal at ang iba’y tahimik lamang. Samantalang ako’y tumahimik panandalian at nagbigkas ng dasal. At Pagkatapos ang ilang paalala sa pamumuno ni Sir Jovie, ibinigay nya na ang hudyat ng pagsisimula ng karera. Nagsitakbuhan na ang lahat habang may kadiliman pa ang paligid.

Kuha Sa Panimulang Linya

Coach Ronnel, Totoy ang Alamat ng Samat at AKo

1 – 9 Kilometro

Pagkatapos ng unang pagtawid ng ilog, pagtakbo sa buhanginan ang agad na sumubok sa akin. Kahit malakas pa dahil unang kilometro pa lamang, ramdam ko agad ang panghihina, sa kadahilanang doble ang lakas na kelangang gamitin dahil sa paglubog ng aking mga paa sa bawat paghakbang. Ilang sandali pa, pagdating sa ikalawang kilometro di ko na matiis ang buhangin na pumasok sa aking sapatos at kelangan ng tanggalin, kaya’t hinubad ko ito at hinugasan panandalian ngunit sa haba ng buhanginang dinadaanan ninais ko na lang munang bitbitin ang aking sapatos at nagpasimulang tumakbo ng nakayapak at mahigit sa dalawang kilometro din ang aking natakbo bago muling isuot ang sapatos sa kadahilanang lumalaki at tumutulis na ang mga batong naapakan🙂. Makalipas ang isang oras at tatlong minuto, narating namin ang unang aid station. Sa station kumain ako ng nilagang saging at uminom ng tubig.

Ang Daang Mabato

Malakas na agos at Mabatong Daan

9 – 18 Kilometro

Nagpatuloy kami sa pagtakbo upang makarating sa aming hinahangad na makita. Sa di ko mabilang kung pang-ilang ilog na un, ang natatandaan ko lang ay sadyang malakas ang agos ng maputik na tubig sa parteng iyon at kasama pa ang gumugulong na bato kung saan tinamaan pa ako ngunit di yun sapat upang mapasuko ako. Bagamat naiiwan na ako ng aking kasama, nagawa ko pang kumuha ng ilang larawan. Aming nakasabay ang dalawang bata na mangunguha raw ng saging, ang nakatawag pansin sa akin ay ang pagsalubong nila sa malakas na agos, tumatakbo rin ngunit pawang nakayapak sa kabila ng naglalakihang batong aming dinaraanan. Bago pa makarating sa ikalawang Aid Station, makailang ulit pa akong naghubad ng sapatos upang tanggalin ang mga bato at buhangin na nakapasok. Dahil sa naglalakihang bato na ang aking natatanaw, naalala ko ang babala sa akin at inisip ko na magpalit pagdating sa ikalawang istasyon. Di nagtagal ay natanaw na namin mula sa kalyuan ang ikalawang istasyon at sa puntong yaon, nagpasimula kaming magmadali upang makapagpalit agad, ngunit pag dating doon ay agad ko lamang hinugasan ang aking sapatos, uminom, kumain, nagpahinga at ilang sandali pa ay nagpatuloy na kaming muli sa aming pagtakbo.

Nagpatuloy kami sa aming pagtakbo paakyat ng bulkan, sadyang may kahirapan para sa akin lalo pa’t walang ensayo sa pagtakbo at kulang sa kaalaman sa pag akyat. Ngunit ganun pa man nagawa pa ring makarating sa paroroonan.

Paraan ng paghugas ng sapatos

Ginamit ko sa pagtakbo

Mt. Pinatubo Crater Lake (ika-25 Kilometro)

At sa wakas nakarating ako sa ika-dalawamput limang kilometro kung saan ako’y nakapagpahinga ng may katagalan. Mahigit tatlumpong minuto bago ako natauhan na ang pakay ko pala ay kumarera. Ngunit sa loob ng oras na yun ay aking nasamantala ang kagandahan ng kalikasan kayat bagamat may kahirapan masarap naman ang pakiramdam sa tanawing natanaw, sa sariwang hangin na nalanghap at ang walang kapalit na kasiyahan, dahil doon palang nakamit ko na ang tagumpay. Di ko nagawang maligo sa crater dahil ang sabi malalim daw, di naman ako manlalangoy.

Ito ang nangyari ng maakyat ko ang Bundok pagkatapos ng apat na oras na pagtakbo

Ang Pagbaba Mula Sa Taluktok Ng Bundok

Sa kadahilanang di ako nakaligo sa lawa, naisipan ko na lang lumubog sa bawat malinis na ilog na aking madaanan at sinasabayan ko na rin ng pagkuha ng mga larawan.  Sa aking pagbaba ay medyo naging mabilis, dahil sadyang mabato nariyan na ang madulas at matalisod, at sa kabutihang palad wala namang sugat na iniwan ang karerang ito sa aking katawan. Narating ko ang unang station pagbaba at nagtagal lamang ako ng mahigit 2 minuto upang magsalin ng tubig, kunin ang natirang, kumain ng asin (anim na kapsul) at muling naghugas ng sapatos. Habang pababa malakas pa rin ang agos ngunit tumitindi ang init. May pagkakataong natitigilan ako at natutulala lalo pa’t wala akong masilayang mananakbo sa aking harapan maging sa likuran. Sa aking pagtakbo na tanya kong kayang tapusin ng pito’t kalahating oras hanggang walong oras ngunit pagdating sa huling istasyon pabalik, nagsimula ang pagdurusa, bagama’t malakas nanghina agad sa kadahilanang natuyo na ang buhanginang aming dinaanan nung una, kaya mas malalim ang paglubog ng aking mga paa sa tuwing tinatangka kong tumakbo maging sa aking paglalakad. Mula sa huling istasyon mahigit isang kilometro lamang sa kabuuhang walong natitirang kilometro ang aking natakbo at karamihan ay pawang paglalakad na lamang kung saan napahaba ang oras ko at nabigo sa inaasahang pagtapos ng karera. Gayun pa man, masaya ako sa naging mga karanasan ko sa paligsahang ito.  Ako ay nakatapos sa oras na Walo, Limangpu’t Pitong minuto at Labing Limang segundo (8:57:15) at nakuha ko ang ikalabing walong pwesto (18/57 Finisher).

Medalya Pagkatapos Ng Takbo

Pagtatapos

Ito na ang pinakamalayong distansyang akin ng natapos. Nagagalak ako at nakalahok at nakatapos sa paligsahan ng pagtakbo sa Bundok Ng Pinatubo. Maraming salamat sa aking mga nakasama, kaibigan, nakilala sa pagtahak sa lahar, sa batuhan at sa pasimuno sa patakbong ito. Sana’y maulit muli.

One response

  1. ang iyong litanya’y pawang nakakalugod lirip-liripin sa kadahilanang aking naranasan din ang mga ito.. nawa tayo nga’y makaulit padito…

    November 10, 2011 at 5:00 AM

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s